Iisang quarantine, ngunit hati sa dalawang bahay

Grapika ni Yuan, 16 | Isinulat ni Dale, 16

OFTP
Of The People

--

Likha ni Yuan Obmasca, 16

Naniniwala ako na nakakaranas ako ng mas maraming labanan sa aking mga tagapag-alaga.

Nakatira ako sa dalawang sambahayan, dahil ang diborsyo ng aking mga magulang. Kapag ang aking mga magulang ay hindi makakarating sa isang kasunduan kung sino ang makakakuha ng “mga anak” kung anong mga araw, nangyayari ang isang problema. Ako at ang aking mga kapatid ay inilalagay sa gitna at tinanong pumili kung paano namin nais ang iskedyul.

Napakahirap nitong makabuo ng isang konkretong iskedyul dahil ang ating mga magulang ay magkakasala sa atin. Bagaman, sa palagay ko ay lumapit ako sa aking mga kapatid at mas
naging bukas sa kanila. Ang perpektong ugnayan na gusto ko sa aking pamilya ay isang pagkakaintindihan ng isa’t-isa na tayong lahat ay mga indibidwal at kailangan nating lahat ang ating pansariling espasyo,
maging sa ating mga silid o nakaupo sa labas ng sarili.
Wala tayong ganito.

Nakikita ito ng aking mga magulang dahil hindi namin nais na gumugol ng oras sa kanila kapag sa katotohanan kailangan lang natin ng kaunting puwang at oras upang makasama o makihalubilo sa mga kaibigan sa pamamagitan ng social media.

Mahirap na ang aking normal na buhay. Ngunit lalo pa itong tila isinampal sa aking mukha nang magsimula ang COVID-19 at ng dala nitong mga aksyong kinailangang sundin ng lahat: ang quarantine. Dalawa ang aking magulang, ngunit hindi kami nakatira sa iisang tahanan lamang.

Ilang taon ang nakaraan at ang aking mga magulang ay nauwi sa hiwalayan, at kaakibat ng pangyayaring ito ang paghati ng oras ng bawat isa para sa aming magkakapatid. Ang desisyon ng kung sinong magulang ang pupuntahan sa araw na ito ay maaaring mag-iba bukas, kung kaya’t madalas na hindi magkasundo ang aking mga magulang, at kaming magkakapatid ay tila naiipit sa gitna ng usapan nilang mga magulang. Sa huli, kaming mga anak ang tinatanong kung aling magulang ang gusto naming samahan, at hindi basta-bastang desisyon iyon.

Tila nararamdaman mo ang bigat ng iyong dinadalang mga problema, at iisipin mo pa kung baka magtampo o magalit sa iyo ang iyong magulang. Laking pasasalamat ko nalang na tatlo kaming magkakapatid, at sa mga panahon na ganito, ay pinipili ko na lamang ang humugot ng lakas at maging bukas sa kanila.

Nais kong maranasan sa aking pamilya ang buong kalinawan at pag-unawa ng bawat isa. Iyon ang perpektong imahe sa aking utak: ang ugnayan na walang batid ng galit o kung ano pa mang negatibong maaaring maramdaman. Gusto ko sanang maintindihan nila na ang lahat ng indibidwal ay nangangailangan ng pansariling espasyo at oras para sa sarili. Nakikita ito ng aking magulang, ngunit hindi naman sa ayaw naming makasama sila, gusto ko lang na maintindihan nilang mahalaga rin sa aming mga anak nila na nirerespeto nila ang aming mga desisyon, espasyo at oras na makasama ang aming mga kaibigan o simpleng makahalubilo lang sa pamamagitan ng social media.

Nais kong maunawaan nilang hindi namin sila tinataboy
papalayo, sa halip, ang maintindihan nilang kami ay kanilang pinalaki na maging independiente at matatag na mga indibidwal.

If you’d like to have your work featured in our platform (whether visual or text), you may send in a submission to our email here.

--

--

OFTP
Of The People

Making creative activism accessible. Community member content for /OfThePeople, currently based in the Philippines.